CHAPTER 7
Julie: ganito kasi yun ate..*smiles* , unang nakilala ko sya kanina lang. kanina kasing nag break time kami, tinabihan kami nina Joyce at Louise ng barkada nya. so ayun, getting to know each other palang kami.
Ynna: ahhhh. tapos??
Julie: hmmm.. ate pwede bang mamaya ko nalang i-kwento sayo? gusto ko na kasing magmeryenda eh. ok lang ba?
Ynna: o sige na nga. haha. ikaw ha, binibitin mo ko sa kwento mo. osya, osya.. ihahanda ko na ang meryenda mo. akyat ka muna sa taas kung gusto mo, mag net ka muna para di ka mainip.
Julie: ok sige.
Pagka-akyat ni Julie sa kwarto nya..
Divine: Surprise!
Julie: Ate Divine? Ikaw ba yan?
Divine: Oo ako nga! Julie I miss you! Kamusta kana?
Julie: Ate Divineeeeeee! *niyakap nya ng mahigpit si ate Divine nya* namiss din kita ate! sobra! ok lang naman ako, ikaw? tagal na nating di nagkita! paano mo nalaman na dito na kami nakatira nina ate? :D
Divine: tinawagan ko kasi yung ate mo dun sa dati nyang number, akala ko nga nagbago na sya ng number sa tagal nating di nagkita. ayun.. tinanong ko kung anong address nyo dito. pinuntahan kita, kaso lang sabi nya sakin nasa school ka daw, kaya eto naghanda ako sinurprise kita dito sa room mo!
Julie: wow! eeeee. ate namiss talaga kita. :>
Divine: Ako din baby. Free ka ba this Friday?
Julie: uhm, may classes ako sa Friday pero hanggang 3 pm lang kami ate.
Divine: mag mall tayo nina Ate Ynna mo! sama mo na friends mo if you want para marami tayo! :)
Julie: o sige po, pwede ko bang isama yung isa kong friend, ate?
Divine: sure, walang problema!
Julie: thank youuuu talaga ate divineeeeeeeeee. iloveyou na talaga ate. :D
Divine: I love you too baby *smiles* :)
Julie: di nako baby ate! hahaha.
Divine: ay oo nga pala! dalaga kana. haha
*kumatok bigla si ynna sa pinto para sa meryenda nila..
Ynna: Julie! Divs! Meryenda is ready!
Julie: Ate Ynns naman eh! Di mo sinasabi! Andito pala si Ate Divine! Haha.
Ynna: Syempre, kaya nga surprise eh :)
*Fast forward.. FRIDAY.. Sa school..*
Julie: uy Joyce, Louise! free ba kayo mamaya?
Joyce: yup! wala naman akong gagawin eh.
Louise: yes, kasi wala namang assignment :)) why?
Julie: ano kasi, dumating yung cousin ko, si Ate Divine. Nag-iinvite sya na mag mall tayo. Ngayon sabi nya ok lang daw na magsama ako ng friends. Ok lang ba sainyo girls?
Joyce: Game! hahah.
Louise: Sure! Sama kami ni Joyce ;). ahemmm, teka. kasama ba yung mga boys?
Julie: pwede. gusto nyo ba?
Louise: girltalk sana, kaso lang sasama mo ata si Moe eh.
Joyce: ok lang, free din naman si Kris eh.
Julie: Haha. Lou, ikaw lang ata may ayaw sumama ang boys dahil kay Derrick?
Louise: *natawa*
*dumating ang boys..*
Kristofer: yes yes yow! anong meron? parang narinig ko yung name ko dyan.
Joyce: nag-iinvite kasi yung cousin ni Julie na magmall, ngayon sinasama tayo ni Julie. Free ka mamaya di ba?
Kristofer: Oo.
Elmo: Julie! I heard na magmmall kayo.
Julie: yes, gusto sana kitang isama. free ka ba later?
Elmo: hindi eh. sorry. nagpapasama kasi si Maxx eh, di ko alam kung saan kami pupunta.
Julie: ah ganun ba, sayang naman.
Elmo: di bale, babawi nalang ako pag may time ako.
Julie: sige.
Derrick: anong kaguluhan ito?! sinong magmmall?!
Louise: kami! bakit?!
Derrick: wala. hindi ba ako kasama dyan??
Julie: *tinignan si Louise* ahhhmmm, oo oo! kasama ka! ahaha
Louise: *gulat*
Derrick: o, ba’t ka gulat louise? parang ayaw mo ata ako sumama.
Louise: ayaw kitang sumama? ahm .. ! —
Julie: *pinangunahan si Louise* hindi! gusto ka nya nga sumama eh, di ba Lou?? *siniko si louise*
Louise: *napilitan* yup. (ugh)
…
QUESTION: Ano kayang mangyayari mamayang pagpunta nila sa mall? Ano kaya ang magiging reaction ni Julie dahil sa pagtanggi ni Moe? Hmmm.. ABANGAN!
to be continued.. ;)